Kung mayroon mang kulang sa wedding nila Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa darating na August 8 sa Tagaytay City, ito ay ang presence ng ama ni Rochelle na si Mr. Rodolfo Pangilinan.

Sumakabilang-buhay ang ama ni Rochelle noong November 11, 2007 dahil sa komplikasyon dala ng sakit na emphysema.

Kahit na sampung taon na ang nakaraan, ramdam pa rin daw ni Rochelle ang sakit dulot ng pagkawala ng kanyang ama dahil masyado siyang malapit dito.

Kung buhay pa raw ang ama niya, ito dapat ang maghahatid sa kanya sa altar sa araw ng pagpapakasal niya kay Arthur.

Ganunpaman, sa araw ng kanyang kasal, alam ni Rochelle na nandoon ang kanyang ama "in spirit" at masaya ito na nahanap na niya ang lalaking magiging life-long partner niya.

Sa kanyang Instagram account, pinost ni Rochelle ang framed photo ng kanyang yumaong ama at ito ang nilagay niyang caption:

"Alam kong happy ka na ngayon Tay kasama si God, alam ko din na happy ka dahil ikakasal na ko, alam kong lagi mo kong binabantayan, alam kong yayakapin mo ko ng mahigpit bago ako lumakad sa aisle sa martes..alam ko."

 

For more showbiz news, visit PEP.ph