Sa pagsisimula niya sa showbiz, magiging unang pelikula agad ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina ang "Spirit of the Glass 2: The Haunted," kung saan makakatambal niya si Kapuso actor Benjamin Alves.

Sa Starbites sa Balitanghali nitong Sabado, sinabing magkakaroon ang mga karakter nila ng kaugnayan sa isang naliligaw na kaluluwa.

Makakasama rin nila sa pelikula ang mga Kapuso actress na sina Janine Gutierrez at Ash Ortega.

"I'm done with pageants and eto na 'yung bago kong journey so, yeah, ine-explore ko siya ngayon and I'm thankful na marami pa ring taong sumusuporta sa akin," ayon kay Maxine. Jamil Santos/MDM, GMA News