Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," pinakitaan nina Donita Nose at Super Tekla ng kanilang Ingles ang isang Italian model para patunayan na sila ang nararapat na maka-dinner ng lalaki.
Kung magiging ulam, isang sinigang daw si Donita Nose, at maganda ang kaniyang pagkakapaliwanag. Ngunit kuwela ang sagot ni Tekla na isa siyang "Hennessy" kung siya'y magiging alak.
Sino kaya kina Donita at Tekla ang tinanghal na panalo ng Italian model? Panoorin ang video.
— Jamil Santos/MDM, GMA News
