Kuwela ang naging eksena sa "Barangay Jokers" sa Eat Bulaga nitong Biyernes, kung saan ibinato ni Maine Mendoza ang hawak na beach ball para ipakitang galit ang kaniyang karakter, pero hindi inaasahang tumalbog ito pabalik sa kaniyang mukha.

Ngunit nanatiling "in character" si Maine at tuloy lang sa acting, habang sinabing "Ang sakit 'tay!"

Napuno naman ng tawanan sa studio. Panoorin ang kuwelang video.

— MDM, GMA News