Si Kapuso anchor at host Pia Arcangel na ang bagong host ng programang "Tunay Na Buhay."
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, sinabing magsisimulang mapanood si Pia sa programa sa Agosto 14, na ayon sa kaniya ay magkakaroon din ng maraming pagbabago.
"It was a pleasant surprise. It wasn't something that I expected but excited ako na gawin ito kasi nanonood talaga ako ng Tunay Na Buhay. Siyempre 'yung mga hinahangaan kong mga personalities, inaabangan ko talaga 'yung kuwento nila. Kaya excited ako na may pagkakataon ako na gawin ito, na ma-interview sila at makilala sila nang husto," sabi ni Pia.
Samantala, mapapanood sa Miyerkoles ang farewell episode para kay Rhea Santos, na binalikan ang ilan sa magaganda niyang alaala kasama si Pia. — Jamil Santos/RSJ, GMA News
