Nakakapanibago para kay Rocco Nacino na makatrabaho ang mga artista ng ibang network, lalo't siya lang ang Kapuso actor para sa MMFF 2019 movie na "Write About Love."

"Kasi parang nagsimula ulit ako sa showbiz. Kasi iba 'yung feel tapos ako lang 'yung Kapuso. So nag-effort ako na makipag-usap sa kanila, mag-break ng kung ano mang wall doon," saad ni Rocco sa Kapuso ArtisTambayan.

"Akala ko mahirap. Hindi, makukulit din pala ito eh. Very open lahat, lahat excited magtrabaho," pagpapatuloy niya.

Kaibigan daw talaga ni Rocco si Joem Bascon, pero unang beses niya itong makatrabaho.

Natuwa rin si Rocco na laging humihingi ang singer na si Yeng Constantino ng tips sa pag-arte.

Ipalalabas ang "Write About Love" sa Disyembre 25. — Jamil Santos/DVM, GMA News