Bata o matanda, problema ng marami ang pimples na kadalasang iba-iba ang paraan kung paano gagamutin. Pero tunay nga bang epektibong panggamot sa tighiyawat ang ilang home remedies tulad ng toothpaste, feminine wash at pati ang pinaghugasan ng bigas?
Ipinaliwanag ni Dr. Jean Marquez, Medical Director ng DARE na ang pimples ang resulta ng excess production ng oil sa mukha, pagkalat ng bacteria at inflammation.
Ilan lamang sa dahilan ng pagkakaroon ng pimples ang genes, hormones, mga pagkaing mataas ang high glycemic index, at cosmetics.
Tunghayan ang paliwanag ng mga eksperto sa "Pinoy MD" kung tunay nga bang nakatutulong ang toothpaste, feminine wash, at pinaghugasan ng bigas para magamot ang pimples. Panoorin ang video.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
ALAMIN
Toothpaste at feminine wash, puwede nga bang panggamot sa pimples?
Marso 10, 2020 6:45pm GMT+08:00
