Bumisita si Vice President Sara Duterte sa simbahan ng Metropolitan Cathedral sa Naga City, Camarines Sur at nakiisa sa Marian procession sa pagdiriwang ng Peñafrancia Festival Linggo ng gabi.

Sumama si Duterte sa mga deboto sa paglibot sa imahe ng Mahal na Inang Peñafrancia sa simbahan.

Nagpamanto rin si Duterte, isang tradisyon kung saan ipinapatong o isinasaklob sa bawat debote ang naging damit ng mahal na birhen.

Ayon sa Naga Tourism, nagsisimbolo ito ng paghingi ng proteksyon ng isang deboto sa Ina.

Matapos ang paglahok sa prusisyon, bumisita naman si Duterte sa The Porta Maria Museum. —LDF GMA Integrated News