Isang ligaw na bala ang tumama sa isang bahay gabi noong araw ng Pasko sa Lapu-Lapu, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing sa kabutihang palad, walang tao noon sa kuwarto kung saan bumagsak ang ligaw na bala.

Ayon sa padre de pamilya, ginising siya ng kaniyang asawa nang makita ang bala gabi noong araw ng Pasko.

Wala silang narinig na nagpaputok ng baril noon.

Ini-ulat na ng mag-asawa ang insidente sa pulisya.

Batay sa pagsusuri, isang 9mm na bala ang tumama sa bubong at nahulog sa sahig ng bahay ng mag-asawa.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung saan posibleng nagmula ang bala. –Jamil Santos/NB GMA Integrated News