Hinangaan ang husay ng mga Pinoy, kabilang ng limang bata, sa isinagawa nilang art exhibit sa Dubai at Singapore.
Sa Dubai, ipinakita ng limang batang Pinoy ang kanilang mga obra sa kanilang art exhibit na tinawag na color pallete!
Ang bawat isa sa kanila, may kaniya-kaniyang inspirasyon sa kanilang mga obra.
Dahil sa ipinamalas nilang husay sa pagpipinta, kinilala ang mga bata bilang "new age artist" ng konsulado ng Pilipinas sa Dubai.
Sa Singapore naman, mga obrang tatak Pinoy din ng magkasintahang Welbart Bartolome at Abigail Dionisio ang itinampok sa Art Trek 12 na tinawag nilang "Travel Light".
Ang exhibit ay may personal daw na pinaghuhugatan mula sa kuwento ng pag-ibig nilang dalawa.
"Yung maging concept nung show namin is to travel light based dun sa relationship namin. Like two people decided to travel together," sabi ni Abigail.
Magtatagal ang art exhibit hanggang October 14. --FRJ, GMA News
