May mga kababayan tayong nagtrabaho sa ibang bansa na nabigo, pero marami rin naman ang nagtagumpay. Tunghayan sa video na ito ang kuwento ng ilan sa mga nakapagpundar ng ari-arian at nakapagpaaral ng mga mahal sa buhay sa tulong ng "katas" ng pagiging OFW.

Kilalanin sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang dating seaman, dating factory worker at dating yaya sa abroad, na tiniis na malayo sa kanilang pamilya sa hangaring mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga minamahal.

Sa paglipas ng panahon at tiniis na sakripisyo, hindi naman sila nabigo nang makita ang resulta ng kanilang pagsisikap. Panoorin at kapulutan ng inspirasyon ang kanilang mga kuwento.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News