Isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong ang dinala sa ospital matapos na makalanghap ng tear gas sa gitna ng salpukan ng mga nagpoprotesta at mga awtoridad.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, nilinaw ng Philippine Consulate na hindi kasama sa protesta ang OFW. Day-off umano nito at nagkataon lang umano na nasa naturang lugar nang mangyari ang kaguluhan.

Sa kabila ng nangyari, nasa mabuti na umanong kalagayan ang OFW.

Samantala, sa gitna ng kaguluhan ay ilang establisimyento umano pinuntirya ng protesta.

May isang banker din ang nasaktan matapos na sapakin ng mga raliyista dahil kumukuha umano ito ng larawan ng mga nagpoprotesta.

Isang taxi naman ang nanagasa sa hanay ng mga demonstrador na nagresulta sa pagkakasugat ng isang babae.

Nasagutan din ang nanagasang driver matapos siyang kuyugin.

Apat na buwan na ang kilos-protesta sa Hong Kong na nag-ugat sa extradition bill na isinusulong noon ng kanilang gobyerno. Ipinag-utos na rin ng kanilang lider na ipagabawal sa pagsusuot ng face mask.-- FRJ, GMA News