Pumanaw na ang isa sa mga tripulante ng MV Athens Bridge na nagpositibo sa B.1.617 coronavirus variant na unang na-detect sa India.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang naturang tripulante ay 63-anyos na lalaki, at taga-Parañaque.

Mayroon umano itong hypertension at tubong Tarlac.

Pumanaw siya dahil sa komplikasyon na dulot ng COVID-19 noong nakaraang linggo.

Kabilang ang naturang lalaki sa siyam na tripulante ng MV Athens Bridge na nagpositibo sa COVID-19 at dinalaga sa pagamutan sa Maynila.

Ayon pa kay Vergeire, bumubuti naman ang kalagayan ng tatlong iba pa na kinailangan na maospital.

“The rest of the members of the crew were already tagged as recovered. Ibabalik na po sa kanilang mga local governments,” sabi ni Vergeire sa online briefing nitong Lunes.

Samantala, gumaling na rin ang dalawang unang nakitaan ng B.1.617 variant cases at pati na ang kanilang close contacts.

Sinabi pa ni Vergeire na isa pang tripulante na galing sa Belgium ang minomonitor. --FRJ, GMA News