Labing-isang taon nang naninirahan ang tubong-Palawan na si Ellen Johansen sa Faroe Islands matapos siyang makapag-asawa ng Faroese.
Kuwento ni Johansen, nakilala niya ang kaniyang mister nang pumunta ito sa Pilipinas at ipinakilala sa kaniya.
Mula sa pagiging magkaibigan, nauwi sila sa pag-iibigan, at ngayon ay mayroon na silang dalawang supling.
Isa sa mga sikat na lugar umano sa Faroe Islands ay ang dinadayong Mulafossur waterfalls sa Gasadalur.
Pero sa kabila ng magandang natawin sa Faroe Islands na makikita sa sa North Atlantic Ocean sa pagitan ng Iceland at Norway, sinabi ni Johansen na nakikita pa rin niya ang sarili na babalik siya sa Pilipinas, na gusto rin umano ng kaniyang mister.
Panoorin ang kaniyang pa-virtual tour sa Faroe Islands sa panayam ng programang "Mar Pa More."
--FRJ, GMA News
