Dahil sa magandang reputasyon ng mga Pinoy, nais umano ng pamahalaan ng South Korean na kumuha pa ng mga Filipino caregiver.
Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Martes, sinabi ni South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-hwa, na mayroon magandang reputasyon ang mga Filipino caregivers sa iba't ibang bahagi ng mundo.
“Filipino caregivers have a high reputation, good reputation worldwide. There will be, in our view, a win-win partnership between our two countries,” anang opisyal sa ginanap na National Day at Armed Forces Day ng Republic of Korea.
Tinatayang mayroong 60,000 Filipino ngayon ang nagtatrabaho sa South Korea.
Ayon kay Lee, nakikipag-ugnayan sila sa Department of Migrant Workers (DMW) para sa posibleng pagbuo ng bilateral labor agreement .
Bago matapos ang taon, target na makapagpadala ng bagong batch ng Filipino caregivers sa South Korea.— FRJ, GMA Integrated News
