Pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy sa South Korea kaugnay na nararanasan doon na matinding heat wave na maaaring pagmulan ng mga sakit.
Sa inilabas na abiso ng embahada ng Pilipinas, pinayuhan ang mga Pinoy doon na uminom ng maraming tubig at sumilong sa malamig na lugar kapag nakaramdam ng pagsama ng katawan.
“Drink plenty of water, go to a cool place when you feel nausea, dizziness, or headache, and constantly check the news for heatwave warnings or updates are among the ways our community can keep safe during the heatwave,” saad sa abiso ng embahada.
Kadalasang nakararanas din ng labis na pagkapagod, pamumulikat, at ang nakamamatay na heat stroke kapag nababad sa mainit na temperatura.—FRJ, GMA Integrated News