Bilang mensahe ng pamamahalan ng dalawang bansa, nagbigay ng 25 toneladang "dates" ang Kingdom of Saudi Arabia sa pamahalaan ng Pilipinas.
Ayon kay Saudi Arabia Charge d’Affaires a.i. Abdullah Saad Alshahri, ibinigay ang sikat nilang produkto na dates ng King Salman Humanitarian Aid and Relief Center (KSrelief).
“Sharing is caring and we are here to share some of the special products of Saudi Arabia, the dates. This occasion reflects the [relationship] of the Philippines,” ayon kay Alshahri.
“The Saudi dates, it’s very important and one of the special food products in Saudi Arabia. But we are here not to sell it, but to present it as a gift. That I would say a message of love between two countries,” dagdag ng opisyal.
Ang mga dates ay tinanggap ni National Commission on Muslim Filipinos Secretary Sabuddin Abdurahim.
Sinabi rin ni Alshahri, makikiisa rin ang KSrelief sa mahigit 16 na proyekto sa Pilipinas na sumasakop sa sektor ng kalusugan, pagkain, at agrikultura.
“They have committed more than 3,000 projects around the world. There are 105 countries who benefit from these projects and the Philippines is one of them,” ayon sa opisyal.
Kabilang sa mga tulong na naibigay ng pamahalaan ng KSA sa pamamagitan ng humanitarian organization ang operasyon na ginawa sa Filipino conjoined twins na si Ayeesha at Akhizah Yusoph.
“They have done two surgeries, the third one is coming soon,” ayon kay Alshahri. -- FRJ, GMA Integrated News