Plano ng Department of Migrant Workers (DMW) na magtayo ng mga sangay ng OFW Hospital sa iba't ibang parte ng Pilipinas.
“Gusto rin namin palawigin yung OFW Hospital, para hindi lang siya sa San Fernando, Pampanga. We intend to develop branches so to speak, or units. You know how clinics are set up in malls? Parang ganun, hospitals or clinics set up in malls, parang ganun nationwide,” ayon kay DMW Secretary Hans Cacdac sa Bagong Pilipinas Ngayon nitong Lunes
Sa ngayon, makikita ang OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga, para sa mga OFW at kanilang mga pamilya.
Ayon sa DMW, umabot sa mahigit 80,000 pasyente ang napagsilbihan ng ospital noong nakaraang taon. Nasa 200,000 medical personnel naman ang kanilang kinuha.
“Yung OFW Hospital, around 86,000 in-patient, outpatient ang nasilbihan sa OFW hospital sa San Fernando, Pampanga…We administered more positions, so we’re thankful with the DBM…So I administered the oath of 200 nurses, doctors, medical staff, regular plantilla items sa OFW Hospital,” dagdag ni Cacdac.
Ayon pa kay Cacdac, nais nilang madagdagan ang kasalukuyang 50 hospital beds capacity ng ospital, at magkaroon ng dialysis treatment facility. --FRJ, GMA Integrated News