Isang 17-anyos na Pinay ang nasawi nang mahagip ng tren sa Greco-Pirelli station sa Milan, Italy nitong Sabado, April 26.

Ayon sa Italian news outlet na Il Messaggero, nakasaad na nasawi ang dalagita sa San Gerardo Hospital sa Monza kung saan siya dinala matapos ang aksidente.

Tumatawid umano ang dalagita sakay ng scooter at kasama ang kaniyang mga magulang nang mangyari ang hindi nila inaasahan.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay ang Philippine Consulate General sa Milan nitong Linggo sa pamilya ng nasawing dalagita.

"The Consulate requests the Filipino Community to pray for the eternal repose of our departed kababayan's soul," saad ng konsulado sa isang pahayag, — FRJ, GMA Integrated News