Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes ang mga Pilipinong may hawak ng H-1B visa na iwasan muna ang di-kailangang paglabas ng Estados Unidos, habang hindi pa malinaw ang mga bagong patakaran sa muling pagpasok sa bansa.
Kamakailan lang, nilagdaan ni US President Donald Trump ang isang proklamasyon na nagpapataw ng $100,000 na bayarin sa mga bagong aplikante ng H-1B visa para sa mga skilled foreign workers.
Inihayag din ni Trump noong Setyembre 19 na, "restriction on entry of certain non-immigrant workers" sa US dahil umano sa pang-aabuso sa H-1B visa program ng ilang employer sa Amerika.
"The recent proclamation restricting the entry of certain nonimmigrant workers to the United States has raised understandable concern among our kababayans," saad ng DFA sa isang pahayag.
Ayon sa DFA, 1.3% ng lahat ng H-1B visa holders ay mga Pilipino, at ang mga kasalukuyang nasa US ay hindi saklaw ng ipinapataw na $100,000 visa fee.
EXPLAINER: Can Trump's $100,000 fee for H-1B visas withstand legal challenges?
Gayunpaman, kung hindi maiiwasan ang pagbiyahe palabas ng US, hinihikayat ng DFA ang mga Pilipino na, "to consult their employers in advance, as employers may be required to shoulder additional costs, such as the one-time fee of $100,000, when facilitating their employee’s re-entry."
Ang H-1B program ay itinatag noong 1990 upang punan ang kakulangan sa skilled labor sa US.
Nagbibigay ito ng pansamantalang work status sa dayuhan ngunit hindi ang “residency.”
Sa paglipas ng mga taon, ini-sponsor ng mga employer ang mga visa holder para sa permanent residency o green card, na maaaring maging daan para makakuha ang dayuhang manggagawa ng US citizenship.
"The Philippine Embassy in Washington, D.C., together with our consulates general across the United States, is closely monitoring the implementation of this proclamation. We remain ready to provide guidance and assistance to our Filipino community as needed," ayon sa DFA. — mula sa ulat ni Michaela del Callar/FRJ GMA Integrated News

