Sa kaniyang guesting kamakailan sa online show na “Your Honor,” tinanong si Alessandra De Rossi kung may insecurities ba siya sa sarili.

“Inggit? Wala. Never kahit kanino,” sagot ng batikang aktres.

“Sa sarili ko, mayroon din namang kung ano-ano. Siyempre, ayoko na pangalanan. Maya-maya titigan niyo nang lahat, ‘di ba? Of course, meron,” pagpapatuloy niya

Gayunman, proud na sinabi ni Alessandra na mataas ang kaniyang self-esteem.

“Yes, kasi, lahat naman tayo may kaniya-kaniyang mga mali sa mga mukha natin or sa katawan natin. Wala naman ako nakitang perpekto. Madami sa industriya, pero peke. Ay, sorry!” pagpapatuloy pa niya.

Sinabi ni Alessandra na mahalaga sa isang tao na mapagtagumpayan ang kaniyang mga insecurity.

“Kung insecure ka, eh ‘di ipagawa mo siya. Pero kung after nu’n insecure ka pa rin… Mahirap ‘yun. Tuloy-tuloy tayo,” saad niya.

Sa kabila nito, inilahad ni Alessandra ang kaniyang mga plano sa sarili.

“Oo, pero plano ko magpa-boobs pagka-50 na ako,” sabi niya. “Ang tagal kong natural, guys. Puwede na ‘yun. I earned my place.”

“Puwede na pagdating ng 50, ito na tapos veneers na… Tapos ‘yung mukha ko, mukhang 16 years old,” sabi niya.

Biro ni Alessandra, gusto niya masubukan ang iba namang katauhan sa hinaharap.

“At this point, ang gusto kong pangalan, Samantha Washington. Di ba? Kumbaga ibang tao na siya. Puwede na at that point.”

Nagpahiwatig si Alessandra na may ginagawa siyang pelikula. – FRJ GMA Integrated News