Isang taon matapos ang paghihiwalay nila ng kaniyang dating Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay, nakatagpo na nga ba si Bella Padilla ng bagong pag-ibig?
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Bela na maayos ang naging paghihiwalay nila ni Norman.
Katunayan, binisita pa umano siya ng binata noong nakaraang holiday nang magtungo ito sa Pilipinas.
“I feel like somewhere down the line, we’ll become friends again. Ganun naman ako eh, I don’t harbor bad feelings with exes,” ayon kay Bela.
Batay sa mga ulat, Enero noong nakaraang taon nang maghiwalay sila ni Norman. Pero noong Agosto lang ganap na naisapubliko na single na muli siya.
Ang pagiging magkalayo ng lugar ang sinasabing malaking dahilan ng paghihiwalay ng dalawa, at tumapos sa apat na taon nilang relasyon.
Sa episode ng show ni Tito Boy nitong Miyerkules, nabanggit ng King of Talk ang isang post ni Bela sa social media na makikita ang isang bouquet noong Valentine’s Day.
Pagpapahiwatig nga ba ito na may bago na siyang pag-ibig?
Ayon sa aktres, wala siyang karelasyon ngayon bagaman inamin niya na, “somebody that’s been making me smile.”
“‘Yun na lang muna,” dagdag niya.
Bibida si Bela sa pelikulang “A Special Memory,” kasama si Carlo Aquino, na mapapanood sa mga sinehan simula sa Marso 11. – FRJ GMA Integrated News
