Muling gumawa ng kasaysayan si Stephanie Valenzuela matapos na magwagi na kauna-unahang Filipina-Canadian borough mayor ng Montreal, Canada.
Sa isang pahayag, binati ng Philippine Embassy sa Canada ang tagumpay ni Valenzuela sa nagdaang halalan na ginanap noong nakaraang November 2, 2025.
First-generation ng Filipino-Canadian umano ang alkalde na isinilang at lumaki sa Côte-des-Neiges, at isang Political Science graduate ng McGill University.
“Mayor Valenzuela built her expertise early through active community involvement and international non-profit work. She continues to dedicate her efforts to empowering and representing the Côte-des-Neiges community, embodying the spirit of service and leadership that reflects the best of the Filipino diaspora in Canada,” saad sa pahayag ng embahada.
Unang gumawa ng kasaysayan si Valenzuela nang mahalal siya sa City Council ng Montreal noong 2021, at maging kauna-unahang Canadian na may lahing Pilipino na nahalal sa naturang posisyon.
Naging kinatawan siya District of Darlington sa Borough ng Côte-des-Neiges–Notre-Dame-de-Grâce.—FRJ GMA Integrated News

