Dalawang marinong Pilipino ang nasawi, habang 12 iba pa ang nasugatan sa mga pag-atake ng drone sa mga barko sa Black Sea sa Southern Ukraine, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes.
βWe are sad to report that there have been two fatalities out of these attacks, 12 injured and one missing, underscoring the increasing volatile security environment in the Black Sea,β ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa isang press conference nitong Lunes
Ayon kay Cacdac, nasawi ang isang Pinoy sa pag-atake noong Hulyo 6, habang nitong nakaraang Linggo, Hulyo 19, naman nasawi ang isa pang Pinoy.
Sinabi ni Cacdac na nakikipag-ugnayan na ang DMW at ang mga manning agency sa mga pamilya ng mga apektadong marino upang mabigyan sila ng kinakailangang tulong.
May kabuuang 139 na Pilipinong marino ang sakay ng siyam na barkong naapektuhan ng mga pag-atake ng drone sa Black Sea. Sa bilang na ito, 124 ang ligtas at hindi nasaktan.
βThe attacks have largely targeted bulk carriers and oil product or tankers with incidents occurring in and or near the ports and anchorages in southern Ukraine. Most ships sustained damage from unmanned aerial vehicle, UAV or drone attacks while alongside, meaning nakadikit sa puwerto, at anchorage or shortly after departure,β ayon kay Cacdac.
πππππͺππ‘π π£ππππ£ππ‘π’π‘π π§π₯ππ£π¨πππ‘π§π, π‘ππ¦ππͺπ π¦π ππ₯π’π‘π ππ§π§πππ
β DZBB Super Radyo (@dzbb) July 20, 2026
Dalawang Pilipinong tripulante, patay; 12 iba pa, sugatan sa drone attack sa isang barko sa Northern Black Sea β @DMWPHL | via @dzbbsamnielsen pic.twitter.com/3fSVkV9f8j
Sa mga nasugatang Pilipinong marino, apat na ang nakabalik sa Pilipinas, habang ang natitirang walo ay patuloy na nagpapagaling at ginagamot.
Sinabi rin ni Cacdac na sinusuri ng DMW ang posibleng pananagutan ng mga manning agency. Aniya, maaari silang mapatawan ng kaukulang parusa kung mapatutunayang nagkaroon sila ng kapabayaan.
Batay sa ulat ng Reuters, dalawang lungsod na may daungan sa Black Sea sa Ukraine ang inatake ng mga drone ng Russia noong Biyernes, na ikinasawi ng tatlo katao.
Naganap ang pag-atake sa mga lungsod ng Mykolaiv at Odesa sa timog ng Ukraine.β Mariel Celine SerquiΓ±a/FRJ GMA News

