Isang bata ang namatay sa isang nakapanlulumong aksidente sa tricycle sa General Santos City.

Sa ulat ng 24 Oras nitong Sabado ng gabi, angkas ang isang taong-gulang na bata at ang kanyang ina sa tricycle na minamaneho ng kanyang ama.

Habang tumatakbo ang tricycle, hindi namalayan ng ina ng bata na nakalylay ang jacket nito.

Kinain ng gulong at kadena ang jacket at nahila ang bata.

Naisugod pa ng kanyang mga magulang ang bata pero binawian din ito ng buhay dahil sa tinamong sugat sa aksidente. —ALG, GMA News