Isang bangkay ng babae na sunog ang ulo at walang suot na damit ang natagpuan sa isang masukal na lugar sa Cagayan de Oro City.
Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing nakita ang bangkay ng biktima sa Barangay Agusan sa nabanggit na lungsod.
Hindi na umano makilala ang biktima na sunog ang ulo, walang suot na damit, may mga saksak sa katawan at posible pa umanong ginahasa.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at pati na ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen. -- FRJ, GMA News
