Sumuko sa mga awtoridad ang isang pulis na namaril ng dalawang lalaking nambugbog sa kanya sa Tagum City.

Sa "Unang Balita" ng GMA News nitong Miyerkules, sinabing away trapiko ang dahilan ng alitan ng pulis at ng mga naka-motorsiklo.

Ayon sa ulat, makikita sa CCTV na kinuyog ang pulis, at nang tumumba sa sahig, kumuha pa ng hollow blocks ang isang lalaki para ihampas sa kanya.

Ngunit makalipas ang ilang minuto, tumumba ang dalawang lalaki. Binaril na pala sila ng pulis.

Isinugod sa ospital ang dalawang lalaki.

Depensa ng pulis na kinilalang si PO3 Roque Separa, nagawa niya lang ang pamamaril para depensahan ang sarili. — Jamil Santos/MDM/KVD, GMA News