Idineklara ng Malacañang ang Mayo 27, 2026 [Miyerkoles], bilang regular holiday sa buong bansa para sa paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Nakasaad ito sa inilabas na Proclamation No. 1264 ng Office of the Executive Secretary nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa proklamasyon, ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang pinakamahalagang pagdiriwang sa Islam.
Nauna nang idineklara sa Republic Act No. 9849 na, “the 10th day of Zhul Hijja, the 12th month of the Islamic Calendar, a national holiday in observance of Eid'l Adha, with a movable date.”
"Following the 1447 Hijrah Islamic Lunar Calendar, the National Commission on Muslim Filipinos ahs recommended that 27 May 2026, Wednesday, be declared a national holiday," saad sa proklamasyon. —FRJ GMA News

