Napalitan ng pighati at pagluluksa ang masayang kasalan sa isang mosque sa Cotabato City nang pagbabarilin ng nakatakas na salarin ang groom at ama ng bride.
Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Huwebes, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na papatapos na ang seremonya ng kasal sa loob ng isang mosque sa Cotabato City nang pumasok ang isang lalaki na armado ng baril.
Pinababaril nito ang ang groom at ang kaniyang magiging biyenan na dati umanong barangay chairman.
Nasugatan pero nakaligtas ang groom pero binawian ng buhay ang ama ng bride na si Hadji Nassifh Sampaino.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng nakatakas na salarin.
Iniimbestigahan din ng mga awtoridad kung paano naipuslit ng salarin ang armas sa loob ng compound na may mga guwardiya.-- FRJ, GMA News
