Isang sawa na may habang 15 talampakan at bigat na aabot sa 40 kilo ang nakita malapit sa isang babuyan sa Bacolod City sa Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA News TV "Unang Balita" nitong Lunes, sinabing nagtulong-tulong ang mga residente at kawani ng barangay para mahuli at maisilid sa sako ang ahas.

Bahagya pang nagkagulo nang mabitawan ng isang kawani ng barangay ang ulo ng sawa.

Nakatakdang i-turnover ng barangay ang sawa sa Department of Environment and Natural Resources," ayon pa sa ulat. -- FRJ, GMA News