Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang college dean sa Surigao City nitong Biyernes ng gabi dahil sa reklamong "sextortion" ng isang estudyante.
Sa ulat sa Balitanghali, nakilala ang suspek na si Randy Retulla na inireklamo ng isang 21-anyos na lalaking estudyante.
Sa reklamo ng estudyante, nagkasama sila ng college dean sa isang hotel noong Disyembre ng nakalipas na taon at doon ay nakuhanan siya ng mga larawan na hubo.
Ipinost umano ni Retulla sa Facebook at nang makiusap siya sa college dean na alisin ito. Pumayag ang college dean ngunit ang hiningi umano na kapalit ay ang pakikipagtalik sa kanya.
Umabot umano sa pitong beses na pinagsamantalahan ni Retulla ang estudyante kaya nagpasya na ang binata na magsumbong sa NBI.
Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek. —ALG, GMA News
