Isang sugatang pygmy sperm whale ang napadpad sa dalampasigan ng Brgy. Cutcutan sa Catanauan, Quezon.

Sa ulat ng Balita Pilipinas, agad daw ipinaalam ng mga residente ang nakitang balyena sa mga awtoridad para magamot ito.

Pero namatay rin kalaunan ang balyena.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay nito. —JST, GMA News