Nakitang patay sa loob ng lodging house sa Victorias City, Negros Occidental ang 82-anyos na si Rodolfo Azucena.

Ang caretaker ng naturang lodging house ang nakakita sa wala nang buhay na biktima sa ibabaw ng kama ng nirentahan nilang kwarto.

Napag-alamang nag-check in ang matanda kasama ang isang GRO na kanya umanong kinuha sa isang KTV bar sa lungsod.

Nang natapos ang tatlong oras na lodging hours, doon na lang na diskubreng patay na ang biktima.

Wala na roon ang kasama niyang babae.

Ayon sa pulisya, walang nakitang sugat sa katawan ng biktima.

Maaaring inatake raw ito sa puso.

Isasailalim sa post mortem exam ang bangkay para matukoy ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Pinaghahanap na rin ang GRO para maimbestigahan. —JST, GMA News