Patay sa saksak ng sariling ama ang magkapatid na anim at apat na taong gulang sa Tantangan, South Cotabato.
Ayon sa ulat ni Susan Enriquez sa 24 Oras nitong Martes, nagbigti ang suspek pagkatapos ng madugong krimen sa loob ng kanilang bahay.
Base sa spot report, nakaranas daw ng depresyon ang ama dahil sa pag-a-abroad ng kanyang asawa.
Nagseselos din umano ang suspek. —Margaret Claire Layug/JST, GMA News
