Arestado ang isang negosyante nang mahulihan ng malalaking pakete ng hinihinalang shabu at mga bala sa loob ng kaniyang bahay sa Laoag City sa lalawigan ng Ilocos Norte noong Sabado.
Kinilala ng GMA News ang suspek na si Alberto Patoc, 38, residente ng Barangay Darayday.
Sa bisa ng search warrant, napasok ng mga pulis at PDEA agents ang bahay ng suspek at doon nasamsam ang walong malalaking pakdete ng hinihinalang shabu, at mga bala ng baril.
Napag-alaman na aabot ng mahigit 17 gramo ng shabu ang nakuha ng mga pulis, at tinatayang may street value na P175,000.
Ayon sa mga pulis, lumitaw ang pangalan ng suspek kasunod sa pagkakaaresto ng tatlo nitong tauhan nitong nakaraang linggo.
Sa Metro Manila raw galing ang mga nakuhang ebidensiya.
Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek, na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa sa gma news
nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. —LBG, GMA News
