Nabagsakan ng malaking puno ang isang tricycle at naipit ang driver sa Dasmariñas, Cavite.
Sa GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, makikita sa CCTV na dahan-dahan nang nabubuwal ang puno bago pa ito tuluyang bumagsak.
Mayroon itong mga sanga na aabot sa kabilang kalsada na posibleng dahilan ng pagkabuwal nito.
Tiyempo namang dumadaan ang tricycle kaya ito nabagsakan. Agad na tinulungan ng mga residente ang driver.
Nagkataon ding nasa lugar ang dalawang bulldozer dahil sa ginagawang road-widening project, kaya mabilis itong na naalis ang punong humambalang sa kalsada.
Nagpabigat ang daloy ng trapiko sa lugar bago maalis ang puno. —Jamil Santos/LBG, GMA News
