Patay ang isang babae sa Calaca, Batangas matapos siyang barilin ng kaniyang kinakasama.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Martes, kinilala ang biktima na si Analyn Belmonte. Nasawi rin matapos na magbaril umano sa sarili ang suspek na si Manuel Montero.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang krimen, nagkaroon ng matinding pagtatalo ang dalawa sa kanilang bahay.

Selos ang hinihinalang motibo ng pulisya sa nangyaring krimen. --FRJ, GMA News