Patay ang isa umanong high-value target na nasa drug watch list umano ni Pangulong Rodrigo Duterte, habang sugatan ang kasama nito sa pananambang sa Cavite nitong Miyerkokles ng umaga.
Sa ulat ni Benjie Liwanag sa Dobol B sa News TV ng Super Raydo dzBB, kinilala ang biktima na si Emiliano. Sugatan naman ang kasama nitong si Arnolito.
FLASH: High-value target, patay matapos tambangan sa Brgy. Molino III sa Bacoor City, Cavite; kasama nito, sugatan naman. | via @Benjielite pic.twitter.com/o4EjeJko5I
— DZBB Super Radyo (@dzbb) October 10, 2018
Sa inisyal na imbestigasyon ng Cavite police, sakay ng isang AUV si Emiliano at si Arnolito nang tambangan sila sa may Molino III ng mga suspek na nakamotorsiklo.
Naitakbo pa ang dalawa sa ospital ngunit namatay din si Emilano, habang ginagamot pa si Arnolito.
Iniimbestigahan na ng mga pulis ang motibo at mga pagkakakilanlan ng mga suspek sa pananambang. —LBG/FRJ, GMA News
