Patay ang isang lalaki matapos siyang mahulog mula sa inakyat niyang tore ng National Grid Corporation of the Philippines sa Iloilo.

 


Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Biyernes, sinabing hindi matiyak kung bakit bigla na lang umakyat ang lalaki sa tore ng NGCP sa Sitio Tinaan.

Halos limang oras umanong lumambitin ang lalaki sa toreng na mahigit isandaang talampakan ang taas.

Hindi umano kaagad nakaresponde ang rescue team dahil kinailangan pa nilang makipag-ugnayan sa NGCP para matiyak na wala nang supply ng kuryente ang buong tower.

 


Naglatag din ng dayami at foam ang rescue team sa ibaba kung sakaling magkaaberya at mahulog ang lalaki, bagay na nangyari habang hinihikayat siyang bumaba.-- FRJ, GMA News