Kalunos-lunos ang sinapit ng isang batang dalawang-taong-gulang na napugutan matapos maaksidente habang sakay at kalong ng kaniyang ina sa motorsiklo sa Laoang, Northern Samar.
Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Miyerkules, sinabing nakabalot sa malong ang bata habang kalong ng kaniyang ina sa motorsiklo.
Pero habang tumatakbo ang motorsiklo, biglang pumulupot ang malong sa gulong ng sasakyan at kasamang nahila ang bata na naging dahilan ng kaniyang pagbagsak.-- Joviland Rita/FRJ, GMA News
