Nagtamo ng mga sugat sa noo at daliri ang isang ginang sa Tubo, Abra na tinaga ng lasing umano niyang mister matapos silang magtalo.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing bago ang insidente, nakipag-inuman pa ang suspek sa kanilang bahay.
Dito na nag-away ang mag-asawa na humantong sa pananaga.
Matapos nito, tumakas ang suspek bitbit ang ginamit niyang patalim.
Kasalukuyang nagpapagaling na ang tinagang misis, na pinag-iisipan pa kung magsasampa ng reklamo laban sa kaniyang mister. —Jamil Santos/LBG, GMA News
