Patay ang isang negosyanteng Chinese at sugatan naman ang kanyang asawa matapos silang pagbabarilin sa Bacolod City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Kinilala ang mga biktima na si Alex Yao at asawa niyang si Maria Teresa.

Galing prayer meeting ang mag-asawa at paalis na sana sa parking lot lulan ng kanilang sasakyan nang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin.

Napag-alaman na may-ari ng isang lending company at supplier ng semento ang nasawing negosyante.

Inaalam pa ng otoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo nito sa pagpaslang. —KBK, GMA News