Nauwi sa aksidente ang masaya sanang pagsakay sa Ferris wheel ng isang mag-biyenan sa Santiago, Isabela nitong Timpuyog Festival.

Nahulog sila mula sa kanilang kinauupuan nang matanggal ang safety lock ng upuan at kumalas ito sa Ferris wheel, ayon sa ulat sa Saksi ng GMA News nitong Biyernes.

Sa kanilang pagbagsak, nabagok ang ulo ng mga biktima.

Nangako ang may-ari ng Ferris wheel na sasagutin ang gastusin sa ospital ng mag-biyenan. —KG, GMA News