Namatay dakong alas-otso Huwebes ng gabi ang isang bata pang green sea turtle na tinamaan ng pana at nasagip ng mga residente sa Boracay, Aklan.

Sinubukan pang gamutin ang pawikan, ngunit namatay din ito.

Photo courtesy by marine biologist Haron Deo Vargas

Tagusan ang sugat ng pawikan na tinamaan ng pana sa ibabaw ng kaliwang paa sa likuran at nakatusok pa ang pana nang masagip ang hayop.

Pinaniniwalaang tumama sa internal organs ng pawikan ang pana, at sa tuwing humihinga ito ay umaagos ang dugo mula sa sugat nito.

Natanggal ang pana, ngunit malubha na ang kalagayan ng pawikan, hanggang sa mamatay ito kalaunan.

Nailibing dakong alas-otso ng umaga nitong Biyernes ang pawikan.

Itinuturing na endangered species na ang green sea turtle. —LBG, GMA News