Napabilib ng isang matapat na tricycle driver sa Dapitan City, Zamboanga Del Norte ang kaniyang pasahero matapos niyang isauli ang naiwan nitong cellphone.

Ayon sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, nakita ng 42-anyos na driver na si Alexander Fernandez ang mamahaling cellphone sa upuan ng kaniyang ipinapasadang tricycle.

Hindi raw siya nagdalawang-isip na ibalik ito sa kaniyang pasahero na nakababa na noon.

Nag-alok ng pabuya para sa matapat na driver ang may-ari ng cellphone na si Guendolyn Opaon pero hindi na raw ito tinanggap ni Fernandez. —Dona Magsino/LDF, GMA News