Bangkay na nang matagpuan sa damuhan ang isang 17-anyos na dalagita na posibleng biktima ng gang rape sa Buenavista, Agusan del Norte. Walong suspek naman ang naaresto, at anim sa kanila ang menor de edad.

Sa ulat ng GMA" News TV Live" nitong Miyerkoles, sinabing nagtamo ang biktima ng mga sugat sa ulo at dibdib mula sa matigas na bagay.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, bago ang insidente ay may nakainuman na mga lalaki ang biktima sa isang gasolinahan. Kinalaunan, isa sa mga lalaki ang nagdala umano sa biktima sa damuhan nang malasing na ito.

Nagsunuran naman ang iba pang mga lalaki at doon na naganap ang umanoy'u panghahalay at pagpatay sa biktima.

Dinala sa social welfare department  ang mga menor de edad na suspek, habang itinanggi naman ng dalawang suspek na nasa tamang edad ang paratang laban sa kanila.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News