Nalunod ang isang ginang sa bayan ng Rosario sa La Union nang tumawid siya sa ilog galing sa kanilang bukirin.

Ayon sa pulis-Rosario, pinasyalan ni Maribel Mabalot ang kanyang mister sa kanilang bukid, batay sa ulat ng "Unang Hirit."

Pag-uwi ng biktima, tumawid ito sa rumaragasang ilog at dahil sa lakas ng agos natangay siya.

Sinubukan pa umanong saklolohan ang biktima ng isang residente, pero nakabitiw umano to at hindi kinaya ang agos ng ilog.

Natagpuan ang kaniyang katawan matapos ang dose oras. —LBG, GMA News