Kilala ang Baler sa Aurora sa surfing dahil sa naglalakihan nitong alon. Pero maliban sa pagtatampisaw sa beach, may iba pang maaaring gawin sa naturang pasyalan lalo ngayong Agosto na ipinagdiriwang nila ang kanilang kapistahan. Alamin.

Bukod sa magandang beach, hitik din sa kasaysayan ang Baler kaya dapat puntahan ang Museo de Baler. Dito rin makikita ang simbahan kung saan nagsagawa ng "last stand" ang ilang sundalong Kastila noong panahon ng rebolusyon.

Maganda ring puntahan ang Ermita Hill, ang mataas na lugar kung saan sinasabing nagpunta ang mga tao para makaligtas sa tsunami noong 1735.

Alamin ang iba pang puwedeng detalye at puwedeng gawin sa Baler sa video na ito ng "Unang Balita."


--FRJ, GMA News