Kulong ang isang senior citizen matapos umanong gahasain ang limang taong gulang na batang babae sa San Carlos City sa Pangasinan, ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Martes.

Ayon sa pulisya, nagpunta ang biktima sa bahay ng kanyang kalaro na apo ng suspek na si Aurelio Resuello, 80.

Pagdating doon, inutusan ni Resuello ang apo na maligo muna, ayon sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Amianan.

Habang naliligo ang apo, ipinasok naman ng suspek sa kuwarto ang biktima at doon umano ginahasa.

Itinanggi ng suspek na ginahasa niya ang bata.

Aksidente lang daw niyang nahipo ang maselang bahagi ng katawan ng bata habang naglalaro. —KG, GMA News