Patay ang tatlong magbabarkada matapos madisgrasya ang sinasakyan nilang sports car sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental, ayon sa ulat ng Saksi nitong Huwebes ng gabi.
Base sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng sports car at bigla raw itong lumipat ng lane kaya nasalpok ito ng paparating na pickup truck.
"Nag-swerve ito paliko sa kaliwa. Hindi nakayanang mag-brake. And based on the initial investigation conducted by traffic investigator, nakita sa area na may mataas na skid mark," ani Police Major Julius Clark Macariola IV, hepe ng Police Station 3.
Napag-alaman din na hindi naka-seatbealt ang mga biktima.
Sugatan naman ang driver ng pickup. Pinag-iisipan pa ng pulisya kung sasampahan siya ng reklamo. —KBK, GMA News
